Archive for March, 2007

hai… nag-graduation pa…

Monday, March 26th, 2007

hinde naman sa ayoko grumaduate pero kasi sobrang nalulungkot lng ako nung grumaduate taung lahat. apat na taon taung nagkasama tapos bigla lng tau maghihiwa-hiwalay. hai… nakakalungkot nga namang isipin. lam nyo ba sa sobrang lungkot ko napapaginipan ko palagi ung paghihiwalay nating lahat. lahat tau sabay-sabay lumalabas ng gate ng paaralan natin… ang nakakalungkot dito ay ung kapag nagkita pa sa daan ay hindi magpapansinan, para bang walang pinagsamahan. sana nga hindi mangyari iyon. i-promise na lng natin sa isa’t-isa na lahat tau ay matutulungan upang malagpasan ang mga hirap at manalo sa larong ang pangalan ay buhay. walang iwanan. ang dami ko pang gusto sabihin kaso hindi ko lng talaga masulat lahat sa sobrang dami. ilan lng to sa naisip ko as of now. go marist 06-07!!!

someday

Wednesday, March 14th, 2007

isang araw maiisip mo

isang araw makikita mo ito ayon sa aking nakikita

ngunit wala na ako

sa oras na mangyari man iyon

pipilitin ko na lang maging masaya

kahit hindi ko kaya

dahil wala ka na

alam kong hindi mo ako pinapahalagahan

akala mo ikaw lang ang nandyan

para sa kaalaman mo ay marami pang ibang taong pwedeng ibigin

balang araw may magmamahal sa akin

katulad ng gusto kong gawin mo sa akin

isang araw may papalit din sayo sa puso ko

isang araw makakalimutan din kita

makikita mo balang araw hindi rin kita maaalala

ngayon alam kong masasabi mo na napakalungkot ko

pero isang araw matutuyo rin ang luha ko

hindi ko na kailangan pang umiyak

hindi na ulit ako iiyak

ang pagtatapos. ang lungkot ko!!!

Sunday, March 11th, 2007

waaaa matatapos na ang highschool!! ayoko pa matapos un. magkakahiwa-hiwalay na taung lahat ang lungkot. tapos magkakalimutan na. tapos ala ng pansinan kapag nagkita sa mall. hindi man lng makakapag keep in touch. waaa ayoko mangyari nun. ang lungkot lungkot ko. mamimiss ko lahat ng nangyari nung highschool. lahat ng schoolmate… lahat ng te4achers… lahat ng nangyari. lahat ng first time. first time mapahiya, umibig, mabigo, madulas, mapagalitan, bumagsak, at ang dame-dame pa. waaa ang lungkot. huhuhu guyz sana walang kalimutan kahit anung mangyari. friends forever!!! MARIST Animo marist. wehehehe =( =( =( =( =( =( =( =( =( =(

d ko na alam…

Tuesday, March 6th, 2007

hindi ko na alam kung mahal pa kita. hinihingi ko lng maging magkaibigan tau pero d mo ako pinagbigyan. naguguluhan na ako. ginagawa ko naman lahat. hay… habang tumatagal paunti ng paunti ang nararamdaman ko sau. parang d tau nagkakilala sa inaasal mo. hay…

comment naman dyan !! hihi^^