1st week ng La Salle
Ok naman ang first week ng la salle. nagandahan ako sa itsura ng la salle. di ako nagsisisi na sa la salle ako pumasok at hindi sa UP. sa UP kc d ganun kagandahan pero ganun talaga kc public school un. d naman sa nagmamayabang.
sa una kala ko maraming terror na teacher pero marami plang mabait. cguro ang nakakatakot lng ay ung teacher sa compro kasi katok ng katok sa table nya o kaya sa blackboard. ang PE namin ay taekwondo. grabe taekwondo nanaman. nag-quit na nga ako dun ehh kc split ng split tapos eto nanaman. ok naman kc para at least kahit papaano may background ako dun pero mas maganda sana kung volleyball kc mas gusto ko yun. marami naman kaagad ako naging kaibigan, mga kaDotA at mga kasama ko gumawa ng assignment. ehehe. un ung mga masisipag na tipong next week pa due ung assignment ay ginagawa na kaagad. napapasama tuloy ako ng di oras. sama-sama rin kami kumakain sa kung saan-saan ng mga classmates ko. masaya ako at di ako naging loner o deadkid.
Nung thursday after classes pumunta kami ng mom ko at kapatid ko sa dentist. pinaadjust namin ung braces namin. grabe kakaadjust lng ay nalunok ko ung isang bracket sa ngipin ko. sabi ng denstist ko ok lng naman un. papalitan na lng niya.